'COVID-sniffing dogs' sumabak sa trabaho | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'COVID-sniffing dogs' sumabak sa trabaho

'COVID-sniffing dogs' sumabak sa trabaho

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isa-isang inamoy ng asong si Lance ang mga empleyado ng isang branch ng Hotel Sogo pero hindi para maghanap ng droga o bomba.

Si Lance ay isang 2 taong gulang na Labrador Retriever na hinasa para makaamoy ng may COVID-19.

"Saliva ng positive patient saka dugo then sweat, doon po namin sila tina-train," kuwento ng dog trainor, na tumangging magpakilala.

Uupo raw si Lance kapag naamoy ang isang taong positibo sa COVID-19.

ADVERTISEMENT

Dahil delikadong mahawahan ang handler at aso, todo-ingat ang may hawak sa mga COVID-sniffing dog.

"Binibigyan namin siya ng vitamins tapos kami rin nagva-vitamins tapos kapag training, nagsusuot kami ng PPE (personal protective equipment)," anang trainor.

Ipinaliwanag ng pamunuan ng hotel na isa lang si Lance sa "health innovations" o paraan para maibalik at manatili ang kumpiyansa ng kliyente sa gitna ng pandemya.

"Kinonsider namin na masiguro ang safety ng aming empleyado, at the same time, safety ng guest natin," sabi ni Ronaldo Sebastian, area manager ng Hotel Sogo.

Pero maaari nga bang i-train ang aso para maamoy ang isang taong positibo sa COVID-19?

ADVERTISEMENT

"Siguro kung may sintomas, puwede. And then, mahihiwalay ba niya 'yong regular na cold, lagnat, versus iyong COVID? So hindi natin alam kung 'yan ba 'yong COVID na naaamoy niya," ani Dr. Edgardo Unson, dating pangulo ng Philippine Animal Hospital Association.

Puwede rin daw mahawa sa COVID-19 ang mga aso at pusa pero wala pang kumpirmadong kaso nito sa mga hayop sa Pilipinas dahil wala namang test kit.

"Ang importante diyan, hindi namamatay ang aso at hindi ipinapasa sa tao. Kung makuha nila sa kanila lang," ani Unson.

Ayon sa handler, may natumbok na si Lance na isang empleyado sa probinsiya, na nagpositibo sa COVID-19 matapos sumailalim sa confirmatory test.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.