16 pakete ng marijuana huling nakasilid sa kahon ng tsaa sa Puerto Princesa | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
16 pakete ng marijuana huling nakasilid sa kahon ng tsaa sa Puerto Princesa

Cherry Camacho,
ABS-CBN News
Published Feb 09, 2018 07:43 PM PHT

Nakumpiska ang 16 pakete ng dried marijuana leaves mula sa isang lalaki sa Puerto Princesa City nitong Biyernes.

Ayon sa mga awtoridad, kumuha ang suspek ng padala sa isang cargo company at nang buksan ito, naglalaman ito ng isang kahon ng tsaa at nakasilid dito ang 16 na pakete ng green tea.
Pero nang ipabukas ang mga pakete, bumungad sa mga awtoridad na naglalaman ang mga ito ng marijuana.

Ayon sa suspek na si alyas Bill Timbancaya, mula sa Cebu ang padala sa kaniya.

Hindi pa natutukoy kung may dati nang kaso na kaugnay ng ilegal na droga ang nahuling suspek.

ADVERTISEMENT
Agad namang dinala sa PNP Crime Laboratory ang mga nakumpiskang marijuana. Hindi pa tukoy ang estimated value ng mga nakuhang droga.

Ito umano ang pinakamalaking huli nila ngayong taon.

Sasampahan ang suspek ng kasong possession of illegal drugs.