4 rehiyon na lang ang 'high risk' sa COVID-19: DOH | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

4 rehiyon na lang ang 'high risk' sa COVID-19: DOH

4 rehiyon na lang ang 'high risk' sa COVID-19: DOH

ABS-CBN News

Clipboard

Apat na rehiyon na lang sa Pilipinas ang nananatiling high risk sa COVID-19, sabi ngayong Martes ng Department of Health (DOH).

Kabilang umano rito ang Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region at Soccsksargen.

Karamihan ay bumaba na sa moderate risk maliban sa Mimaropa, Bicol Region, Eastern Visayas at Bangsamoro na low risk na.

Sa kabila nito, nananatiling maingat ang DOH sa pagsabi kung nalalapit na ang pagtatapos ng COVID-19.

ADVERTISEMENT

"Ang positivity rate bumababa pero there are still regions with positivity rate greater than 50 percent. We should be cautious in saying na nari-reach na natin ang tail-end. Pero alam natin lahat we will somehow get there," ani Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire.

Dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso, sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na baka puwedeng isantabi na ang alert level system kapag mababang-mababa na talaga ang bilang ng mga kaso.

"There may be a certain point in time that we can lift alert levels and bring it back if it calls for it," ani Concepcion.

Una nang ipinaliwanag ng DOH na may basehan ang alert level system.

Sa paglipat sa pinakamaluwag na Alert Level 1, madadagdagan ang titingnang pamantayan gaya ng vaccination rate at safety seals sa isang lugar.

ADVERTISEMENT

Kung ang National Capital Region umano ang titingnan, hindi maikakailang mataas ang vaccination rate sa rehiyon.

Pero dahil mas marami nang bata ang nababakunahan ngayon, kailangan na ring muling pag-aralan ang mga target.

"Pero siyempre, ipinapasok natin ang kabataan sa targets ng pagbabakuna, kailangan ma-recalibrate ang targets to include children. Kasi 'pag Alert Level 1, lalabas na sila, mag-e-eskuwela sila," ani Vergeire.

Ngayon pa lang, pinagpaplanuhan na ng gobyerno ang pagtahak ng bansa tungo sa pamumuhay kasama ang virus.

"Nakita naman natin with our increased vaccination, and the new variant that has come up that is milder than delta, we feel it is now time to start discussing and planning out a roadmap so that we can already start living with COVID-19," ani Presidential Adviser on COVID-19 Response Vince Dizon.

ADVERTISEMENT

"We will start doing that this month and hopefully we finish this and present to the IATF and to you in early March," dagdag ni Dizon.

—Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.