ALAMIN: Presyuhan ng bulaklak sa Benguet ilang araw bago mag-Valentine's | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
ALAMIN: Presyuhan ng bulaklak sa Benguet ilang araw bago mag-Valentine's

ABS-CBN News
Published Feb 08, 2021 07:41 PM PHT
|
Updated Feb 08, 2021 09:13 PM PHT
BAGUIO CITY – Inaasahang gagalaw pa ang presyo ng mga bulaklak sa Benguet sa nalalapit na Araw ng mga Puso o Valentine's.

Ayon sa mga may-ari ng bentahan ng bulaklak, aabot ngayon sa P800 ang kada bundle ang mga pulang rosas. Nasa P400 lang ito noong Enero.

May kamahalan dahil limitado umano ang suplay dahil lumipat sa pagtatanim ng gulay ang ilang flower farmer.

Noong nakaraang taon kasi dahil sa pandemya, humina ang kita sa mga bulaklak kaya nasira ang ilan sa mga pananim.
Noong nakaraang taon kasi dahil sa pandemya, humina ang kita sa mga bulaklak kaya nasira ang ilan sa mga pananim.
ADVERTISEMENT
Dahil dito, napilitan na lang ang ilang flower farmer na lumipat sa pagtatanim ng gulay.

Mahal naman ang rosas ngayon dahil may ilang supplier ng rosas na inii-stock pa ang mga bulaklak para sa Valentine's day kung kailan nagiging mahal ito.

Pero ayon sa mga nagbebenta ng bulaklak, posible na bumaba o tumaas ang presyo ng rosas sa Valentine's, depende sa demand ng mga mamimili.

Sa ngayon, mura pa ang ilang klase ng bulaklak tulad ng alstromeria na P10 kada dosena, Malaysian mums na P50 kada dosena, at Carnation na P350 kada bundle.

–Ulat ni Micaella Ilao
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT