15 bahay, tinupok ng sunog sa Cebu | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

15 bahay, tinupok ng sunog sa Cebu

15 bahay, tinupok ng sunog sa Cebu

Donna Lavares,

ABS-CBN News

Clipboard

CEBU CITY - Umabot sa 15 bahay ang natupok ng apoy sa sunog na sumiklab sa isang residential area dito sa lungsod, Biyernes.

Bandang alas 2 ng madaling araw nang magsimula ang apoy sa Barangay Tinago, sabi ng mga opisyal ng Bureau of Fire Protection.

Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay na pagmamay-ari ng isang Wilfredo Jalandoni, sabi ng mga awtoridad.

Isang residente na kinilala bilang si Brenda Jalandoni ang naiulat na nasugatan dahil sa insidente, sabi ng BFP.

ADVERTISEMENT

Nagdeklara ang mga bombero ng fire under control matapos ang isang oras.

Hindi bababa sa P150,000 ang halaga ng ari-arian na natupok ng apoy. Inaalam pa ng mga bombero ang sanhi ng sunog.

Pansamantalang maninirahan sa barangay gym ang mga nasunugan ngunit walang kasiguraduhan kung makakabalik pa sila sa kanilang mga bahay dahil hindi legal ang pagtatayo nila sa lupang pagma-may-ari ng iba, ayon kay Barangay chairman Domingo Lopez.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.