Mga tindero sa Tacloban City, wala nang maibentang NFA rice | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga tindero sa Tacloban City, wala nang maibentang NFA rice

Mga tindero sa Tacloban City, wala nang maibentang NFA rice

Jenette Ruedas at Ranulfo Docdocan,

ABS-CBN News

Clipboard

Wala nang maibentang bigas galing sa National Food Authority (NFA) ang mga tindero sa palengke ng Tacloban City.

Ito'y sa gitna ng mga ulat mula sa ibang lugar ng kawalan ng buffer stock ng NFA rice.

Ayon sa mga NFA rice retailers, hanggang dalawang sako lang ang naibibigay sa kanila kaya madaling nauubos ang bigas na mas mura kaysa sa commercial rice.

Dagdag nila, commercial rice muna ang kanilang itinitinda sa ngayon habang wala pang suplay galing sa NFA.

ADVERTISEMENT

Tumaas na ang presyo ng commercial rice. Ang regular milled rice ay P42 bawat kilo ang pinakamura habang nasa P45 kada kilo ang presyo ng pinakamurang well-milled rice.

Sa warehouse naman ng NFA sa Tacloban City, mahigit sa 2,000 sako ng bigas na lamang ang natitira.

Patuloy pa itong nababawasan lalo't patuloy na bumibili ang ilang retailers.

Ganito rin ang sitwasyon sa mga palengke sa Palo at Alangalang, Leyte.

Dagdag pa nila, noong nakaraang buwan pa nang simulang limitahan ng NFA ang bigas na maari nilang bilhin.

Sa kabila ng mga ulat ng mababang suplay ng NFA rice, itinanggi ni Department of Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na may kakulangan sa bigas.

Aniya, sapat pa ang suplay ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.