Nationwide earthquake drill gaganapin sa Feb. 15

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2018 02:14 PM | Updated as of Feb 07 2018 02:35 PM

MANILA - Magsasagawa ng earthquake drill sa buong bansa ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDDRMC) sa susunod na linggo.

Idaraos ang nasabing pagsasanay sa Huwebes, Peb. 15 sa ganap na alas-2 ng hapon.

Ito ang unang earthquake drill na pamumunuan ng NDRRMC ngayong taon.

"Sa ganap na alas-dos ng hapon, sabay-sabay tayong mag-duck, cover and hold para sa 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED)," sabi ng NDRRMC.

Matatandaang huling nagsagawa ng earthquake drill ang NDRMMC noong Disyembre 2017.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.