'Tulak' patay sa Bocaue buy-bust | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Tulak' patay sa Bocaue buy-bust
'Tulak' patay sa Bocaue buy-bust
ABS-CBN News
Published Feb 06, 2019 04:19 AM PHT

MAYNILA - Patay ang isang umano'y tulak ng ilegal na droga matapos maka-engkuwentro ng mga pulis sa Barangay Duhat, Bocaue, Bulacan.

Kinilala ang suspek na si Michael Conception na dati na umanong nakulong dahil rin sa pagbebenta ng droga.

Ayon kay Supt. Amado Mendoza Jr., hepe ng Bocaue police, ikinasa ang operasyon matapos mapag-alaman na sangkot pa rin sa pagtutulak si Conception mula nang makalaya.

Natunugan umano nito na pulis ang katransaksiyon at agad na nagpaputok ng baril. Gumanti ang mga pulis na agad na ikinamatay ng suspek.

ADVERTISEMENT
Narekober mula sa suspek ang 10 sachet ng hinihinalang shabu at isang kalibre .38 na baril. - ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News