Kinumpirma ng mga opisyal ng Department of Health ngayong Miyerkoles na may measles outbreak o pagkalat ng sakit na tigdas sa National Capital Region at Central Luzon.
Narito ang ilan sa mga dapat malaman ukol sa sakit na tigdas:
ANO ANG TIGDAS?
- Ang sanhi ng tigdas ay measles virus
- Ang taong may tigdas ay madaling makahawa
SINTOMAS
- Lagnat, sipon at ubo
- Namumulang mata
- Namumulang mga butlig sa buong katawan
KOMPLIKASYON
- Pagtatae
- Impeksiyon sa loob ng tainga
- Pulmonya
- Impeksiyon sa utak
- Malnutrisyon
- Pagkabulag
PARAAN NG PAG-IWAS SA SAKIT
- Pabakunahan laban sa tigdas ang bata mula sa edad na anim na buwan.
- Bigyan ng Vitamin A capsule ang batang nabakunahan. Sumangguni sa health worker ukol dito.
PABIBIGAY NG LUNAS SA MAYSAKIT NG TIGDAS
- Bigyan ng tamang nutrisyon at tubig bilang pamalit sa nawalang tubig sa katawan dahil sa pag-ubo, pagtatae at pagpapawis.
- Painumin ng gamot ayon sa payo ng doktor.
- Bigyan ng Vitamin A ang maysakit.
Source: Department of Health
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, Department of Health, kalusugan, measles, outbreak, measles outbreak, tigdas, TV Patrol, Jeff Canoy