14 na pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa QC

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2019 02:14 PM | Updated as of Feb 06 2019 03:55 PM

MAYNILA- Labing apat na pamilya ang nawalan ng bahay matapos masunog ang isang residential area sa Barangay Culiat sa lungsod ng Quezon nitong Miyerkoles ng umaga.

Nagsimula umano ang sunog alas-7:52 ng umaga sa bahay ng isang Mona Cali sa Salam Compound ayon sa Quezon City Fire District.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang 7 bahay na natupok.

Problema sa electrical wiring ang isa sa mga maaaring sanhi ng sunog. Tinatayang aabot sa P100,000 ang halaga ng pinsala.

Wala namang nasugatan sa naturang sunog na umabot sa ikalawang alarma at naapula alas-8:30 ng umaga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.