19 anyos na estudyanteng may dalang marijuana, tiklo sa Maynila | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
19 anyos na estudyanteng may dalang marijuana, tiklo sa Maynila

Zyann Ambrosio,
ABS-CBN News
Published Feb 05, 2019 06:21 PM PHT

MANILA - Arestado ang isang college student sa Maynila matapos siyang mahulihan ng dalawang teabag na may laman na marijuana, Lunes.

Hinuli ang 19 anyos na suspek na si Rico Narag matapos makuha ng mga security guard ng Arellano University ang dalawang sachet ng shabu sa kaniyang bulsa.

Kinapkapan si Narag bilang bahagi ng safety measures ng paaralan matapos ito makatanggap ng isang bomb threat kamakailan.

Aminado sa kaniyang nagawa, napaluha si Narag dahil naawa umano siya sa kaniyang magulang na nagbebenta ng kalamansi.

"Nagsisisi ako, pampatulog ko lang sana ang marijuana," aniya.

Inamin ni Narag na kinukuha niya ang pambili ng ilegal na droga mula sa P100 baon niya araw-araw.

Kinasuhan ng possession of illegal drugs si Narag.

Ayon kay Senior Insp. Philip Ines, public information officer ng Sampaloc Police, bukod kay Narag, may ilang estudyante na silang nahuli na gumagamit ng marijuana.