Taguig City Hall of Justice binulabog ng bomb threat

ABS-CBN News

Posted at Feb 04 2019 11:10 AM

MAYNILA- Napilitan ang pamunuan ng Taguig City Hall of Justice na palabasin ang lahat ng empleyado nito dahil sa bomb threat nitong Lunes ng umaga.

Bandang alas-8:30 ng umaga nang makatanggap umano ng text ang isa sa mga empleyado patungkol sa isang bomba sa Hall of Justice, ayon kay Taguig Police chief Senior Supt. Alexander Santos.

Agad na sinuri ng mga awtoridad ang lugar at naideklarang negatibo sa bomba matapos ang higit sa isang oras.

Bumalik din naman sa normal ang sitwasyon sa lugar matapos ang inspeksyon.

-ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.