DSWD, nakabantay sa nagsasangla ng 4Ps cash card | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

DSWD, nakabantay sa nagsasangla ng 4Ps cash card

DSWD, nakabantay sa nagsasangla ng 4Ps cash card

Bonna Pamplona,

ABS-CBN News

Clipboard

DAVAO CITY - Binabantayan na ngayon ng Department of Social Welfare and Development sa Region XI ang umano'y pagsasangla ng cash card ng mga benepisyado ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ito ay matapos lumabas sa tala ng opisina na nasa 186 na benepisyado ang ginagawa umanong collateral sa utang ang kanilang cash card.

Isa si Aida Esmael sa mga benepisyado ng 4Ps. Sa 10 taon niyang nakakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan, hindi umano niya naisipan na gawing collateral sa utang ang hawak niyang cash card dahil natatakot siyang matanggal sa listahan ng DSWD.

"Sa ngalan kay Allah kahit isang beses hindi ko ito nasangla," aniya.

ADVERTISEMENT

Sa ngayon ay isinailalim sa counselling ang mga benepisyadong nagsangla ng cash card, habang ang iba naman ay sinuspende muna ng dalawang buwan ang matatanggap na benepisyo.

Nagbabala naman ng DSWD na kanilang tatanggalin sa kanilang listahan ang sino mang malaman na isinasanla ang kanilang cash card.

Nagsasagawa ang kanilang social worker ng sorpresang pagbisita sa mga benepisyado bukod sa buwan-buwang Family Development Session.

Ayon kay Florame Mhecai Espada, ang Regional Information Officer ng DSWD XI, para sa pag-aaral at kalusugan ng mga anak ang natatanggap na cash grant kaya may karampatang parusa kung isasangla ang cash card.

May aabot sa 22,496 na benepisyado ng 4Ps sa Davao City na tumatanggap ng halos P5,200 kada dalawang buwan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.