Bangkay ng lalaki, itinapon sa Parañaque | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bangkay ng lalaki, itinapon sa Parañaque

Lyza Aquino,
ABS-CBN News
Published Feb 04, 2018 07:42 AM PHT
|
Updated Aug 20, 2018 11:55 PM PHT

MANILA - Isang lalaki ang natagpuang patay sa gilid ng center island sa Baclaran, Parañaque City madaling araw ng Linggo.

Kinilala ang biktima na si Ramil Antonio Legazpi, 42 anyos at taga Navotas batay sa mga ID na natagpuan sa pitaka nito, ayon kay SPO1 Rolly Iglesias ng Paranaque Police homicide division

Bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki, tinapon sa center island ng northbound lane ng Baclaran, Parañaque City | via @LyzaAquinoDZMM pic.twitter.com/AUW8F7Dx6K
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) February 3, 2018

Ayon naman kay John Lloyd Mamaril, na unang nakakita sa bangkay, pasado 2:00 a.m. kanina nang makita ng isang parking boy na itinapon umano ng isang bus ang katawan ni Legazpi.

Duguan ang ulo ng biktima at basag ang kanyang bungo ngunit blanko pa sila kung ano ang ikinamatay nito.

ADVERTISEMENT
Kumpleto naman ang mga cards at maging ang cellphone ng biktima kaya palaisipan rin ang motibo sa likod ng krimen.