Ilang OFW stranded pa rin sa Pilipinas dahil sa mahigpit na protocols | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang OFW stranded pa rin sa Pilipinas dahil sa mahigpit na protocols

ABS-CBN News
Published Feb 03, 2022 07:15 PM PHT

Nobymebre 2021 nang magpapasok ulit ng foreign workers ang South Korea, matapos ang isa't kalahating taong entry ban.

Nabuhayan ng loob noon si Jun Balenton, isa sa mga overseas Filipino worker na natengga sa Pilipinas. Pero hanggang ngayo'y hindi pa siya nakakaalis.

"'Yong salitang maghintay, talagang ang bigat e... parang endless 'yong paghihintay namin," sabi ni Balenton.

Bahagi si Balenton ng government-to-government hiring ng factory workers sa South Korea noon pang 2020.

ADVERTISEMENT
Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), bagaman nagbukas na ang deployment, unti-unti ang pagpapasok ng South Korea.

Ito ang dahilan kung bakit 251 pa lang ang nakaalis mula Nobyembre habang higit 2,000 pa ang naghihintay makalipad.

"Sila ang nag-i-schedule ng mga protocol na 'yon pati 'yong deployment," ani POEA Administrator Bernard Olalia.

"'Yon ang challenge kasi ngayon, limited lang 'yong capacity ng kanilang quarantine doon. Kaya hindi agad-agad made-deploy in one schedule," ani Olalia.

Nakikipag-ugnayan ang POEA sa schedule pero dapat din umanong makipag-ugnayan ang mga OFW sa kanilang employer dahil employer ang nakatokang kumuha ng schedule mula sa South Korean government.

Tutulungan umano ng POEA ang mga OFW na napaso na ang mga visa.

Pero hindi lang ang mga papuntang South Korea ang naiinip kundi pati ang mga OFW na pa-Taiwan.

"Masyado na kami nahihirapan dito na kahit sabihin nilang may trabaho, siyempre 'yong kita naman natin is hindi gano'n kalaki," ani Melvin Dollosa, isang OFW na pa-Taiwan.

Bukas-sara rin ang Hong Kong sa mga galing Pilipinas kaya hinihintay pa rin na tanggalin ang mga flight ban.

Sa huling pahayag ng POEA, bubuksan ang deployment sa Taiwan at Hong Kong pagkatapos ng Chinese New Year pero sa ngayo'y naghihintay pa rin ng go signal.

—Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT