Pulis patay, 3 sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Isabela | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pulis patay, 3 sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Isabela

Pulis patay, 3 sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Isabela

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 03, 2021 03:11 PM PHT

Clipboard

Nagkarambola ang 6 na sasakyan sa Cabatuan, Isabela noong Pebrero 2, 2021. Retrato mula kay Shiela Lane Santiago

Patay ang isang pulis habang 3 ang sugatan nang magkarambola ang 6 na sasakyan sa bayan ng Cabatuan, Isabela noong Martes.

Dinala pa sa ospital si Patrolman Gilbert Aison, miyembro ng Isabela Provincial Mobile Force Company, pero idineklara ring dead on arrival, ayon sa pulisya.

Nagtamo naman ng mga sugat ang 3 kasama ni Aison, kabilang ang kaniyang buntis na misis, kasunod ng insidenteng nangyari sa national highway sa Barangay Magsaysay.

Pumutok ang kaliwang harapang gulong ng kotse ni Aison habang binabaybay niya ang national highway, base sa imbestigasyon ng Cabatuan police.

ADVERTISEMENT

Tuluyang nawalan ng kontrol ang kotse hanggang sa nasagi ang kasalubong na dump truck at sumalpok sa isang tricycle na nakaparada sa tabing kalsada.

Pumutok din umano ang gulong ng dump truck, na sumalpok naman sa 3 pang nakaparadang sasakyan.

Papunta sanang Santiago City ang pulis para ipa-check up ang kaniyang misis, base sa imbestigasyon.

-- Ulat ni Harris Julio

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.