TINGNAN: Ilang bahagi ng northern Cebu, binaha | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TINGNAN: Ilang bahagi ng northern Cebu, binaha

Aiza Layague,
ABS-CBN News
Published Feb 03, 2018 11:03 PM PHT

Binaha ang ilang bahagi ng northern Cebu bunsod ng walang tigil na ulan Sabado.

Mahigit 20 pamilya sa Sitio San Lorenzo, Poblacion at 10 pamilya naman mula sa Sitio Patag, Baranga, Bawo sa bayan ng Sogod ang inilikas dahil halos lampas tao na ang baha alas-5 ng hapon.

Sa lungsod ng Lugo naman, pahirapan sa pagtawid sa kalsada ang mga sasakyan dahil sa baha.

May mga nasiraan din ng sasakyan matapos pumasok sa makina ang baha, lalo na sa Barangay Lamac, bayan ng Borbon na hanggang tuhod ang tubig.

Lubog naman sa baha ang hindi bababa sa 30 bahay sa barangay dahil sa walang tigil na ulan. Gumamit ng tabo at balde ang mga residente sa pagtanggal ng bahang pumasok sa kanilang bahay.

Nagtulungan naman silang linisin ang drainage sa pag-aakalang nabara lang ang kanal kaya bumaha sa kanilang lugar.

Ayon sa ilang residente, matagal nang problema sa barangay ang baha lalo na kung malakas ang buhos ng ulan. Sinisi nila ang maliit na drainage system na pinagawa ng gobyerno na siyang dahilan umano kung bakit di makalusot ang tubig galing sa sapa at bukid.

Ayon sa PAG-ASA, ang trough ng low pressure area na nasa bahagi ng silangang bahagi ng bayan ng Hinatuan, Surigao del Sur and dahilan ng pag-ulan. --May ulat ni Leleth Ann Rumaguera, ABS-CBN News