Pader ng 2 bahay sa Cebu gumuho, katabing konstruksyon sinisi

ABS-CBN News

Posted at Feb 03 2018 03:57 PM | Updated as of Feb 03 2018 03:58 PM

Immae Lachica, ABS-CBN News

Gumuho ang pader ng dalawang bahay na may katabing construction site sa Sitio Villa Zacate, Brgy. Basak Pardo sa Cebu City nitong Sabado. 

Immae Lachica, ABS-CBN News

Pasado alas-6 ng umaga nang magulantang ang mga residente dahil sa pagguho ng mga pader.

Sa pahayag ng kapitan sa lugar na si Yolandito Cagang, wala naman umanong naitalang sugatan sa nasabing insidente. 

Immae Lachica, ABS-CBN News

Pansamantala munang nilagyan ng plywood, tubo, at kable ng mga apektadong residente ang kanilang mga pader upang hindi na lumala pa ang sira.

Immae Lachica, ABS-CBN News

Sinisisi ng mga naperwisyong residente ang construction site sa tabi na siya umanong dahilan ng pagguho.

Siniguro naman ng contractor na sila ang magpapaayos sa mga nasirang bahay.

--Ulat ni Immae Lachica, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.