Ilang taniman ng talong, pinepeste dahil sa lamig | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang taniman ng talong, pinepeste dahil sa lamig

Ilang taniman ng talong, pinepeste dahil sa lamig

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 01, 2019 09:53 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pinuputakte ng mga peste ang ilang taniman ng talong sa Villasis, Pangasinan dahil umano sa epekto ng lamig ng panahon.

Isa-isang tinitingnan ng magsasakang si Ariel Orpello ang bunga ng mga pananim niyang talong. Umaaray siya dahil pinagpipiyestahan ng white fly ang bunga habang sinisira naman ng stem borer ang katawan ng halaman.

Mabilis daw silang dumami sa dahon ng mga pananim kapag malamig ang panahon, kaya ang resulta, inuuod ang mga bunga at natutuyo ang mga pananim.

"Maraming uod, insekto, ganu'n... Tinutusok nila 'yung bunga, kaya nasa loob na ang uod," aniya.

ADVERTISEMENT

Madalas umatake ang mga peste sa mga high-value crops tulad ng talong, kamatis, pechay, sili, at upo kapag malamig ang klima sa umaga at mainit sa gabi.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang lawak ng pinsala ng peste sa taniman ng talong sa Villasis.

Pero may mga paraan daw na puwedeng gawin ang mga magsasaka.

Isa sa mga inirerekomenda ng Provincial Agriculture Office ang paggamit ng greenhouse sa high-value crops para maiwasan ang pagdami ng peste.

Samantala, sa Sual, Pangasinan naman ay problema ng mga bangus grower ang pagkamatay ng mga fingerlings.

Humihina raw kasi ang metabolismo at pagkain ng isda kapag malamig ang panahon.

"Ngayon kasi kapag maliliit pa namamatay," ayon sa bangus grower na si Dominador Bunzo.

Kaya payo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ioras ang pagpapakain sa mga bangus tuwing tirik ang araw.

Sa ngayon, stable daw ang suplay ng bangus pero bahagyang tumaas ang presyo nito sa mga palengke.

—Ulat ni Joanna Tacason, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.