250 baby pawikan, pinakawalan sa Quezon

Kevin Dinglasan, ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2019 04:47 AM

SARIAYA, Quezon - Pinakawalan nitong Huwebes sa dagat ng Sariaya, Quezon ang nasa 250 baby pawikan.

Ayon sa ilang residente at Bantay Dagat, maingat na inalagaan ang mga pawikan mula sa itlog pa lamang ang mga ito.

"Tuwing umaga po, iinikot po namin iyan, binabantayan namin," ani Edwin Frias, residente ng lugar.

Watch more in iWant or TFC.tv

Base sa datos ng Municipal Agriculture Office, nasa 2,000 baby pawikan ang kanilang pinakawalan noong 2018.

"Taon-taon, nagre-release po kami itong mga nangingitlog na pawikan," ani Sherwin Rosales, kawani ng Municipal Agriculture Office.

Para sa ahensiya, malaking bagay ito para dumami pa ang pawikan sa karagatan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.