13 nawawalang motor sa Naga City, narekober | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
13 nawawalang motor sa Naga City, narekober

Rona Nuñez,
ABS-CBN News
Published Feb 01, 2018 04:02 PM PHT

Sa bayan ng Bula, Camarines Sur na natunton ng mga awtoridad ang 12 motorsiklong ninakaw sa iba't ibang lugar sa Naga City.

Maliban dito, isa pang motorsiklo ang nahanap sa bayan nga Milaor, Camarines Sur.

Suspek sa pagtangay ng mga ito ang 38-taong gulang na si Miguel Angelo Nardo.

Kasalukuyang nakatira sa Naga si Nardo, pero dating residente sa bayan ng Bula.
Kasalukuyang nakatira sa Naga si Nardo, pero dating residente sa bayan ng Bula.
ADVERTISEMENT
Naaresto si Nardo noong Martes, matapos tangayin ang isang motorsiklong naiwang nakalagay ang susi.

Sa imbestigasyon, inamin ni Nardo kung nasaan ang iba pang motorsiklong kanyang ninakaw.

Ipinagbibili niya ang mga ninakaw na motor sa halagang P2,000 hanggang P3,000. Karamihan sa mga kustomer ni Nardo ay residente sa malalayong barangay ng Bula.

Matapos ipakalat ng pulisya ang mga kasong maaring harapin ng mga bumibili ng nakaw na gamit, agad isinuko ng mga kustomer ni Nardo ang mga motorsiklo sa pulisya.

Ilan sa mga motorsiklo ay walang plaka.
Ilan sa mga motorsiklo ay walang plaka.
Paalala ng awtoridad sa mga motorista, ugaliing sa mga ligtas na lugar lamang magparada ng motorsiklo at huwag iiwanan ang susi sa sasakyan.

Patong-patong na kasong carnapping ang kakaharapin ni Nardo.