Mag-asawa patay sa pamamaril sa Sorsogon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mag-asawa patay sa pamamaril sa Sorsogon

ABS-CBN News
Published Jan 31, 2022 09:17 PM PHT

Karumal-dumal ang sinapit ng mag-asawa sa Barangay Paco, Gubat, Sorsogon matapos silang pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay bandang 12:30 ng madaling araw nitong Enero 31.

Kinilala ang mga biktimang si Rodolfo Gaban, isang karpintero at asawa nitong si Gloria Gaban.

Ang insidente ay agad na ipinagbigay-ulat ng apat na naulilang anak ng mag-asawa na may edad na 21, 18, 16, at 10 taong gulang sa pulisya bandang 1:40 ng madaling araw.

Ayon sa report ng Gubat Municipal Police Station (MPS), sakay umano ng motorsiklo ang dalawang suspek na biglang pumasok sa bahay ng biktima at agad na pinaulanan ng bala ang natutulog na si Rodolfo.

Nagmakaawa pa raw ang maybahay niyang si Gloria subalit agad naman siyang binaril ng mga suspek na humantong sa kanyang pagkamatay.

Agad namang nakatakas ang mga suspek matapos ang insidente.

Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang sanhi ng nasabing krimen at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

- ulat ni Aireen Perol-Jaymalin
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT