Babae patay matapos saksakin ng kinakasama sa Samar | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babae patay matapos saksakin ng kinakasama sa Samar

ABS-CBN News
Published Jan 31, 2021 12:36 PM PHT

Patay ang isang babae mula San Jorge, Samar matapos saksakin ng kaniyang kinakasama, ayon sa pulisya.

Sa ulat ng Eastern Visayas police, kinilala ang biktima bilang si Jennifer Santiago, isang 40 anyos na health worker at residente ng Barangay Mo-boob.

Kinilala naman ang suspek bilang si Liberato Cabubas, isang 51 anyos na magsasaka.

Ayon sa pulisya, lasing si Cabubas nang lapitan nito noong Biyernes si Santiago nang walang dahilan at biglang sinaksak.

ADVERTISEMENT
Isinugod sa ospital si Santiago pero idineklarang dead on arrival.

Nasugatan din sa insidente ang isang magsasaka at 2 guro.

Ayon kay Capt. Michael Ray Cañete, hepe ng San Jorge police, isang liblib na lugar ang barangay na pinangyarihan ng krimen.

Pagdating umano ng mga pulis sa lugar ay dinala na sa ospital ang mga biktima at nakatakas ang suspek.

Sa ngayon, patuloy ang pagtugis kay Cabubas.

-- Ulat ni Ranulfo Docdocan
RELATED VIDEO:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT