Nasa 50 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Parañaque | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nasa 50 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Parañaque

Nasa 50 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Parañaque

Michael Delizo,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 31, 2018 08:54 PM PHT

Clipboard

Makikita ang maitim na usok mula sa sunog sa Barangay San Isidro sa lungsod ng Parañaque Miyerkoles. Courtesy of Lett Ancheta

MANILA— (UPDATE) Aabot sa 50 pamilya ang nawalan ng bahay sa sunog na sumiklab sa residential area sa San Juan Street, Barangay San Isidro lungsod ng Parañaque Miyerkoles.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, 25 bahay ang tinupok ng apoy na nagsimula alas-3:46 ng hapon at umabot ng halos 1 oras bago tuluyang naapula.

Mabilis umanong lumaki at kumalat ang sunog na umabot pa sa ikatlong alarma dahil gawa sa light materials ang karamihan sa mga bahay.

Pansamantala munang mananatili sa covered court ng barangay ang mga nasunungan.

ADVERTISEMENT

Sa covered court ng barangay na muna mananatili ang nasa 50 pamilya na nawalan ng bahay sa sunog na sumiklab sa San Isidro, Parañaque.

Wala namang naiulat na nasaktan sa naturang insidente.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan at sanhi ng sunog.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.