Mga facemask sa Iloilo, nagkakaubusan na | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga facemask sa Iloilo, nagkakaubusan na

Mga facemask sa Iloilo, nagkakaubusan na

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 30, 2020 03:47 PM PHT

Clipboard

Nagkakaubusan na ng facemask sa Iloilo City bilang paghahanda sa pagkalat ng novel coronavirus o 2019-nCoV.

Hating gabi na subalit naghahanap si France Kyle ng botika kung saan makakabili ng facemask."Pangalawa [nang botika] ito subalit wala pa rin silang stock," aniya.

Sa botika kung saan bibili sana ng facemask si France Kyle, nakasuot na rin ng facemask ang mga staff. Nagtira ang management ng 2 box ng facemask para sa proteksyon ng kanilang tauhan.

Para sa ilang mamimili, dapat bigyang-pansin ang halaga ang kalusugan.

ADVERTISEMENT

"Dapat talaga mayroong [facemask] para mapanatili ang kalusugan," ani Charles, isang residente sa Iloilo.

Sa isa pang botika na pinuntahan ng ABS-CBN, agad na naubos ang humigit kumulang 200 boxes ng facemask sa loob lamang ng isang araw.

"Mga 200 boxes ngayong araw lang, Sir. Wala pa roon ang 30 boxes na naipagbili kahapon," pagkumpirma ni Angeli Guimera, Branch Manager ng naturang botika.

Dahil dito, umorder na ang botika nina Guimera ng dagdag na supply ng facemask subalit hindi sila makasisigurado kung kailan ito darating dahil nakadepende pa sa kanilang supplier sa Maynila.

Sa huling tala ng Department of Health, wala pang kumpirmadong kaso ng 2019-nCoV sa buong bansa.-Ulat ni Hernani Escullar Jr., ABS-CBN News​

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.