Pagbabagong-kulay ng ilang bahagi ng Taal Lake, ikinabahala ng mga residente | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagbabagong-kulay ng ilang bahagi ng Taal Lake, ikinabahala ng mga residente

Pagbabagong-kulay ng ilang bahagi ng Taal Lake, ikinabahala ng mga residente

Kevin Dinglasan,

ABS-CBN News

Clipboard

TALISAY, Batangas—Ikinabahala ng mga residente ng bayang ito ang pagbabagong-kulay ng ilang bahagi ng Taal Lake.

Nakabibighani umano ang dinatnang kulay ng mga residente sa bahagi ng lawa na sakop ng Talisay.

Napansin ito ng mga residente Martes ng umaga, kung saan nagmukhang tubig sa beach.

"It's really unusual. 'Yung lake kanina naging bright blue at nagmukha siyang beach so na-amaze ako, ang ganda niya so I asked the tricycle driver to stop para mag-picture ako," ani Rabin Canuzo.

ADVERTISEMENT

Ikinagulat naman ng ilang mangingisda ang tila pagbabago ng kulay ng tubig sa lawa. Nagkalat din umano ang ilang patay na isda sa tubig.

Bagama't nangangamba sa posibleng negatibong epekto ng pagbabago ng kulay na ito, sinamantala naman ng ilan na lutuin ang ilang namatay na isda.

Paliwanag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, isang sulfur upwelling ang naganap sa lawa, partikular sa bahagi ng Talisay.

Natural umano itong nangyayari sa mga volcanic lakes na may reserba ng sulfur sa ilalim ng tubig lalo sa panahon ng taglamig at malakas na hangin.

"Kapag sinabayan po siya ng hangin 'yung laki ng alon, napu-push po siya so nagkakaroon po siya ng overturn . . . 'Yung tubig sa ilalim, pumapaibabaw which is mababa ang dissolved oxygen," paliwanag ni Nenita Kawit ng BFAR.

ADVERTISEMENT

Normal umano sa lawa ang ganitong pangyayari lalo mula Nobyembre hanggang Pebrero. Nagpapalabas naman umano agad ng abiso ang ahensiya bago ang pagpasok ng taglamig para maiahon na agad ng mga fish cage owner ang mga isdang puwede nang ibenta.

Kadalasan umano na nagtatagal ng ilang araw hanggang dalawang linggo ang sulfur upwelling.

Tuloy-tuloy naman ang ginagawang assessment ng BFAR sa pangyayari at inaalam rin kung gaano kalaki ang pinsala nito sa mga fish cage sa lawa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.