Chavit Singson, namigay ng ‘balato’ sa mga kababayan sa Ilocos Sur | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Chavit Singson, namigay ng ‘balato’ sa mga kababayan sa Ilocos Sur

Ria Galiste,
ABS-CBN News
Published Jan 30, 2019 08:30 PM PHT
|
Updated Jan 31, 2019 01:40 AM PHT

NARVACAN, Ilocos Sur—Nakuhanan ng bidyo ng ilang residente ng bayang ito ang pamimigay ng pera nitong Martes ni dating Ilocos Sur governor at ngayon ay konsehal na si Luis "Chavit" Singson.

Dinumog ng mga tao sa palengke si Singson habang namimigay ng pera.

Ayon sa mga nakausap ng ABS-CBN News, umikot pa sa buong palengke ang grupo ni Singson.

Aminado naman ang konsehal na namigay siya ng pera, pero iginiit niya na ito ay galing sa panalo niya sa laban ni Manny Pacquiao.

ADVERTISEMENT
Dagdag pa niya, hindi na bago sa kaniya ang pamimigay ng balato sa mga kababayan kaya nagtataka siya kung bakit ngayon lamang ito nabigyan ng kulay.

"Namumudmod talaga ako, hindi pa naman bawal. Tinanong ko sa Comelec (Commission on Elections), tumawag ako. 'Puwede pa bang mamigay?' Ang dami kong balato. Puwede, hindi pa naman nag-umpisa," paliwanag ni Singson.

Umuwi si Singson sa Narvacan kaya naisipan niyang mamigay ng pera.

Para sa kaniya, hindi naman ito pagbili ng boto sa darating na eleksyon dahil hindi pa nag-uumpisa ang campaign period.

Pero para sa kalaban ni Singson sa pagka-alkalde ng bayan, hindi dapat niya ito ginagawa.
Pero para sa kalaban ni Singson sa pagka-alkalde ng bayan, hindi dapat niya ito ginagawa.
ADVERTISEMENT
Maaari umanong magkaroon ng vote-buying sa eleksyon sa ipinapakita nito.

"Siguro 'yun ang alam niyang pinakamabisang pamamaraan para makuha ang boto ng mga tao," ayon kay Edgardo Zaragoza.

Ayon naman sa Comelec, hindi pa saklaw ng kanilang opisina ang ginawa ni Singson dahil wala nang masasabing premature campaigning.

"Meron na kasing decision 'yan sa Penera versus Comelec na practically wala nang premature campaigning. Based sa decisiong 'yan, considered lang na kandidato for purposes of campaigning kapag nagsimula na ang campaign period," paliwanag ni Atty. Marino Salas, provincial election supervisor ng Comelec-Ilocos Sur.

Sa Pebrero 12 ang umpisa ng campaign period sa national level, habang sa Marso 29 naman sa local level.
Sa Pebrero 12 ang umpisa ng campaign period sa national level, habang sa Marso 29 naman sa local level.
ADVERTISEMENT
Sa kabila ng mainit na laban sa pagitan ng dalawang malaking angkan sa pulitika, hindi naman itinuturing na area of concern ang bayan ng Narvacan.