Mga lumang bomba, nahukay sa isang paaralan sa Nasugbu | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga lumang bomba, nahukay sa isang paaralan sa Nasugbu

Mga lumang bomba, nahukay sa isang paaralan sa Nasugbu

Kevin Dinglasan,

ABS-CBN News

Clipboard

Nahukay sa isang paaralan sa Nasugbu, Batangas ang nasa 34 na lumang bomba nitong Sabado.

Ayon sa construction worker na si Constancio Dime, nagulat siya nang nakita niya ang mga bomba habang naghuhukay para sa itinatayong gusali sa Bayabasan Elementary School.

"Naghuhukay po kami noon. Napansin ko na may kaunting bakal na ang dulo niya, parang may spring. Aking itinanong sa aking kasama, at kung ano nga ito. Sabi niya umalis na raw kami at baka madisgrasya," aniya.

Hinihinalang nasa paaralan na ang mga bomba noon pang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

ADVERTISEMENT

Bukod sa mga bomba, may ilang piraso rin ng umano'y mga bala ang natagpuan sa lugar.

Ayon sa prinsipal ng paaralan, naging kuta umano ng mga Hapon ang
lugar.

"Sabi ng matatanda noong una, ito nga raw ay naging kuta o tinirhan ng mga Hapon," ani Ernelia Espenano.

Agad na ini-report sa mga awtoridad ang pangyayari at na-retrieve ang mga bomba.

Paalala ng pulisya, agad na i-report sa kanila kapag nakakita ng mga ganitong uri ng gamit.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Philippine Air Force Explosives Division ang mga bomba.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.