Indian na ide-deport, nagwala, nakabasag ng salamin sa NAIA | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Indian na ide-deport, nagwala, nakabasag ng salamin sa NAIA

Indian na ide-deport, nagwala, nakabasag ng salamin sa NAIA

ABS-CBN News

Clipboard

Isang Indian national ang nag-amok sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, Martes, matapos nitong malaman na ipapa-deport siya pabalik sa kaniyang bansa matapos ang 4 na araw na pagkaka-detain sa paliparan.

Kinilala ang nagwalang banyaga na si Sarinkumar Kunjipappu Kalathiparamba, isang negosyante na labas-pasok na sa Pilipinas noong mga nakaraang taon.

Unang hinarang ang pagpasok ni Kunjipappu sa bansa noong Enero 27 nang dumating ito sa Pilipinas mula Dubai na lasing.

Nabasag ng banyaga ang isang glass panel sa arrival area nang subakan nitong tumakas mula sa mga awtoridad.

ADVERTISEMENT

Agad dinala si Kunjipappu sa klinika sa paliparan upang lapatan ng lunas ang mga natamo nitong sugat.

Aabot sa P70,000 ang halaga ng nasirang gamit ng Indian, saad ni Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal.

Agad na ide-deport si Kunjipappu sa oras na mabayaran nito ang mga nasirang gamit sa NAIA.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.