Mga imahen ng Santo Niño para sa pagdiriwang ng pista ng Sto. Niño de Malolos sa Bulacan. Nico Bagsic, ABS-CBN News
Muling idinaos ngayong Linggo ang prusisyon ng iba-ibang imahen ng batang Hesus sa Bulacan bilang bahagi ng pagdiriwang ng pista ng Santo Niño de Malolos.
Ito'y matapos matigil ang prusisyon nang dalawang taon bunsod ng banta ng COVID-19 pandemic.
Galing pa sa iba-ibang bayan sa Bulacan ang mga imahen.
May Sto. Niño na nakasakay ng kalabay at bangka, na sumisimbolo umano sa mga magsasaka at mangingisda. Mayroon ding nakasuot ng katutubong damit.
Inilabas din ng mga residente ng Malolos ang kani-kanilang imahen para sa tradisyunal na "Dungaw."
Marami sa mga imahen na kasali sa prusisyon ay nakasakay ng karosa, na tatad ng makukulay na palamuti at bulaklak.
Tampok din ang mga grupo ng street dancers at ati-atihan para pasiglahin ang selebrasyon.
Tinatayang daan-daan na mga camarero o may-ari ng mga imahen na nasa karosa ang nakilahok sa pang-umagang prusisyon.
Inaasahang 400 naman ang lalahok sa parada nitong gabi ng Linggo.
Noong 2020, inabi ng pamunuan ng Sto. Niño de Malolos Foundation na nasa 360 na karosa ang sumasama sa prusisyon.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.