3 arestado sa pagbebenta ng isang kilong marijuana sa Tondo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 arestado sa pagbebenta ng isang kilong marijuana sa Tondo

3 arestado sa pagbebenta ng isang kilong marijuana sa Tondo

Lady Vicencio,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 29, 2021 07:31 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Magkakasamang nahuli ang 3 magkakaibigan matapos sila mahulihan ng 1 kilong marijuana sa isang buy-bust operation ng Galas Police Station sa Tondo, Maynila nitong Huwebes.

Ilang oras ding nagpapalit-palit ng lugar ng tagpuan ang mga suspek hanggang sa makarating sila sa CP Garcia corner Castañaz Street.

Abot sa P120,000 na halaga ng marijuana ang ibinenta nila sa nagpanggap na buyer.

Ayon sa pulisya, nakuha nila ang impormasyon sa ilegal na aktibidad ng grupo mula sa isang informant na kasama sa group chat ng mga suspek.

ADVERTISEMENT

Online kasi sila magbenta ng droga dahil kadalasang sa mga kakilala lang sila nakikipagtransaksyon.

Mga taga-Quezon City at Maynila, partikular na sa Tondo, ang parokyano ng mga suspek.

Isang kalibre .38 na baril naman ang nakuha sa kanila na posibleng para sa proteksyon nila lalo’t malakihan na sila kung magbenta ng droga.

Aminado ang isa sa mga suspek sa pagbebenta ng marijuana pero nadamay lang umano ang dalawa niyang kaibigan.

Nahaharap sila sa kasong pagbebenta at pagbibitbit ng ilegal na droga.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.