2 lalaking bumalik sa volcano island ng Taal hindi na mahagilap | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 lalaking bumalik sa volcano island ng Taal hindi na mahagilap

2 lalaking bumalik sa volcano island ng Taal hindi na mahagilap

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Nananawagan sa mga awtoridad ang mga pamilya ng 2 lalaki na umano'y bumalik sa pulo o volcano island ng Bulkang Taal na hindi pa rin mahagilap sa kasalukuyan.

Kinilala ang mga nawawala na sina Alexander Dando, Jr. at Marlon Deteral, na kapwa mga residente ng Barangay Alas-As, Volcano Island, San Nicolas, Batangas.

Kuwento ni Gerry Dando, kapatid ni Alexander, nakalikas na sila noong pumutok ang Bulkang Taal higit 2 linggo na ang nakalilipas, pero bigla daw bumalik si Alexander sa pag-aakalang tapos na ang pag-aalboroto ng Taal.

Mula noon ay hindi na makontak si Alexander.

ADVERTISEMENT

Aminado si Gerry na nakainom ang kapatid dahil may kasalan sa pulo noong araw na pumutok ang Bulkan Taal.

Nananatiling parte ng permanent danger zone ang volcano island kahit pa ibinaba na sa 3 ang alert level ng Bulkang Taal.

Ayon naman kay Bernadette Valenzuela, nagpaiwan daw ang kapatid niyang si Deteral sa isla sa pag-aakalang naiwan ang kanilang ina sa bahay nito. Nauna na palang nakalikas ang ina ng magkapatid.

Mula noon hindi na natagpuan si Valenzuela.

Sabi ni San Nicolas Mayor Lester de Sagun, hindi pa rin makapagsagawa ng search operation sa 2 naiulat na nawawala dahil nasa ilalim pa rin ng lockdown ang volcano island. —Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.