SAPUL SA CCTV: Negosyante binaril sa loob ng sariling bakuran | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SAPUL SA CCTV: Negosyante binaril sa loob ng sariling bakuran

SAPUL SA CCTV: Negosyante binaril sa loob ng sariling bakuran

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nakuhanan ng CCTV ang pamamaril at pagpatay ng isang riding-in-tandem sa isang negosyante sa loob mismo ng kaniyang bakuran sa Sindangan, Zamboanga Del Norte.

Kinilala ang biktima bilang si Cerilo Tampus na napatay matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin noong Martes, Enero 23.

Sa kuha ng CCTV sa bahay ng pamilya Tampus, nakapasok ang dalawang salaring lulan ng isang motorsiklo sa loob ng bakuran bago maisara ng kasambahay ng pamilya ang gate. Kasunod ito ng pagdating ng biktma.

Bumaba ang angkas at tinulungan pa ang kasambahay na isara ang gate.

ADVERTISEMENT

Ayon sa kasambahay, nagulat siya nang pumasok ang mga salarin.

Bumunot ng baril ang backrider o salaring nakaangkas at nagpaputok ng dalawang beses.

Nakatakas palabas ng gate ang misis ng biktima at kasambahay dahil sa takot.

Nakatakas naman ang mga salarin bitbit ang mga bag ng biktima.

Tatlong tama ng bala ang ikinamatay ng negosyante.

ADVERTISEMENT

Batay sa imbestigasyon, mga dayo ang mga salarin.

"Possible na scenario [ay] kung matagal na sila nagmamanman sa tao, sa movement niya," ani Chief Inspector Rolando Baraquio, hepe ng Sindangan police.

"Pati pagbubukas ng gate alam nila eh," dagdag ni Baraquio.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

-- Ulat ni Dynah Diestro, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.