Presyo ng sibuyas sa mga palengke sa NCR, nasa P200-P350 per kilo na | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng sibuyas sa mga palengke sa NCR, nasa P200-P350 per kilo na

Presyo ng sibuyas sa mga palengke sa NCR, nasa P200-P350 per kilo na

Reniel Pawid,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Umaabot na ng P200 hanggang P350 kada kilo ang presyo ng ilang uri ng sibuyas sa Metro Manila, batay sa monitoring ng Department of Agriculture.

Simula ito nang bumuhos ang suplay ng imported na sibuyas mula abroad.

Sa kanilang price monitoring, lumalabas na nasa P240 hanggang P250 na ang presyo ng pulang sibuyas.

Nasa P200 hanggang P250 naman ang kada kilo ng imported na pulang sibuyas.

ADVERTISEMENT

Nasa P170 hanggang P300 naman kada kilo ang lokal na white onion habang P250 hanggang P260 naman sa imported na puting sibuyas.

Dahil sa mas mababang presyo ng sibuyas, may ilang konsumer na nakakabili na nito gaya ni Annabel Mestiso, na nakabili na ng sibuyas para sa kaniyang sinigang.

"Parang hindi kumpleto pag walang sibuyas [ang sinigang] eh kasi nasanay na na may sibuyas," aniya.

Ayon kay Department of Agriculture Assistant Secrtary Rex Estoperez, sa ngayon ay wala silang nakikitang kakulangan sa supply ng sibuyas.

"At this point in time wala tayong nakikitang shortage dahil sa harvest at coming imports," ani Estoperez.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.