Dacera camp di kumbinsido sa police report na 'natural' ang pagkamatay ni Christine | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dacera camp di kumbinsido sa police report na 'natural' ang pagkamatay ni Christine

ABS-CBN News
Published Jan 28, 2021 06:35 PM PHT
|
Updated Jan 29, 2021 01:16 AM PHT

MAYNILA – Pumalag ang mga naulila ni Christine Dacera sa resulta ng pagsusuri ng pulisya kung saan lumabas na "walang homicide" at "natural " ang sanhi ng pagkamatay ng dalaga noong New Year's day.

Sa medicolegal kasi na isinapubliko kahapon, inalis na ng pulisya ang anggulong "homicide," na siya namang ipinagpipilitan ng pamilya Dacera.

Pero ayon sa tagapagsalita ng Dacera family, hindi sila naniniwala sa resulta ng report.

"The medicolegal report ni Dr. Palmero is not a medicolegal examination, dahil sa 'yung bangkay ni Christine eh nalibing na noong January 11. It was buried on January 10 so there was no way he could have examined the body on January 11," ani Roger Reyes, abogado at spokesman ng pamilya.

ADVERTISEMENT
"The Dacera family disputes that. They believe that she was spiked with drugs and sexually molested in either (room) 2207 and 2209 and that contributed to her death," dagdag ni Reyes.

Nakasaad sa medicolegal report ng pulisya na maaaring ang kakasuka ni Dacera ang nagdulot ng high blood pressure na naging sanhi ng ruptured aneurysm. Sinabi rin na lumaki ang puso nito.

Ayon naman sa forensic pathologist na si Dra. Raquel Fortun, ipinagtataka niya bakit huli na nang ilabas ang medicolegal report, na nakompleto noon pang Enero 11.

Pati ang abogado ng respondents, nagtataka sa timing ng pagsasapubliko ng report.

"Your guess is as good as mine. In fact we were even forced to subpoena this result," ani Mike Santiago, legal counsel ng ilan sa respondents.

Ayon naman kay National Capital Region Police Office chief Maj. Gen. Vicente Danao, walang cover-up at naisumite na nila ang lahat ng ebidensiya sa piskalya.

–Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News
–Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News
Read More:
TV PATROL
TV PATROL TOP
PatrolPh
Tagalog news
balita
krimen
Christine Dacera
PNP
pulisya
medico legal
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT