GSIS, SSS, Pag-IBIG pauutangin ang Taal victims | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
GSIS, SSS, Pag-IBIG pauutangin ang Taal victims

ABS-CBN News
Published Jan 28, 2020 08:10 PM PHT

Nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal ang bahay nina Erlyn Martinez sa Talisay, Batangas.

Bunsod nito, sumugod agad sa Home Development Mutual Fund o mas kilala bilang Pag-IBIG sila Martinez para mag-avail ng calamity loan.

"Madali 'yong pagpa-process nila kasi priority po nila 'yong katulad naming naapektuhan," ani Martinez.

Nasa 80 porsiyento ng savings ang puwedeng utangin sa calamity loan, na may 5.9 porsiyentong interes sa loob ng 2 taon, mas mababa kompara sa regular na multi-purpose loan.

ADVERTISEMENT
"Ang maganda rito mayroon tayong grace period na 3 months so hindi agad sila magbabayad," ani Amado Dizon III, senior vice president for member services operations ng Pag-IBIG.

"Kung mayroon siyang existing multi-purpose loan, ibabawas lang natin," dagdag ni Dizon.

Puwede ring mag-home repair loan sa Pag-IBIG Fund ang miyembro kung matindi ang pinsala ng ashfall at lindol.

Bukod sa Pag-IBIG, may programang pautang din ang Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) sa mga miyembrong nasalanta ng pagputok ng bulkan.

Sa SSS, hanggang P20,000 ang calamity loan na makukuha sa loob ng 3 hanggang 5 araw.

Puwede ring i-advance ng mga pensioner ang 3 buwang pensiyon.

Hanggang P1 milyon naman ang house repair o improvement loan para sa mga miyembrong nasiraan ng bahay dahil sa kalamidad.

"Mayroon pa 'yang kasama na 6 months moratorium sa payment... kailangan natin malaman, kanino ba nakapangalan 'yong bahay o lupa na i-improve natin, dapat kasi sa miyembro nakapangalan 'yan," ani SSS Spokesperson Fernan Nicolas.

Nasa P20,000 naman ang puwedeng utangin ng mga miyembro at pensioner ng GSIS na sakop ng calamity areas.

May 3 buwang palugit bago simulang maningil ang GSIS.

Tatlong taong babayaran ng GSIS member ang inutang at may 6 porsiyentong interes kada taon.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT