Bakit mahalagang malaman kung may Hepatitis B? | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bakit mahalagang malaman kung may Hepatitis B?

Bakit mahalagang malaman kung may Hepatitis B?

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 28, 2020 05:11 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Mahalagang malaman ng isang tao habang maaga kung mayroon siyang Hepatitis B, isang sakit na kapag may naramdaman nang mga sintomas ay nangangahulugang may komplikasyon na, ayon sa isang doktor.

Ang Hepatitis B ang pinakapangkaraniwang uri ng viral hepatitis – na nagdudulot ng pamamaga ng atay – sa Pilipinas, sabi ng hepatologist na si Janus Ong sa panayam ng “Good Vibes” ng DZMM.

Sa pag-aaral nila Ong, lumabas na noong 2017 ay isa sa kada 10 Pinoy ang may Hepatitis B, isang impeksiyong walang sintomas.

“Most of those infected, walang symptoms. So nadi-discover lang siya if they go get a screening test,” ani Ong.

ADVERTISEMENT

Kapag nagkaroon na ng sintomas, maaaring may cirrhosis liver cancer na ang pasyente, ayon sa doktor.

“If may symptoms na nararamdaman dahil [sa] Hepatitis B, ibig sabihin, may complication na,” ani Ong.

“Bago pa magkaroon ng complication, ma-diagnose na at ma-follow up. Kung kailangan ng treatment, kasi hindi lahat binibigyan ng treatment, mabigyan na ng treatment,” dagdag niya.

Maaaring makuha ang Hepatitis B sa palitan ng body fluids at isa sa pinakapangkaraniwang paraan ng paglipat ng virus ay ang mother-to-child transmission na kadalasang nangyayari sa panganganak ng ina.

Kaya ipinayo rin ni Ong na mabigyan ng Hepatitis B vaccine ang isang sanggol sa loob ng 24 oras matapos itong ipanganak.

Nilinaw rin ni Ong na binibigyan lamang ng treatment ang mga may Hepatitis B kapag nakitang aktibo ang virus na nagsasanhi ng sakit at may pamamaga na sa atay.

May mga kaso kasi na may Hepatitis B pero immune o hindi tinatablan ng virus.

“Kaunti lang ‘yong virusn ila at saka ‘yong liver nila walang inflammation. So ‘yong mga ‘yon, fina-follow up lang natin,” paliwanag niya.

Ipinayo rin ni Ong sa mga taong may Hepatitis B na ipaalam sa kanilang mga asawa o partner ang kanilang mga kondisyon. Mainam din umanong magpa-test ang asawa o partner at pabakunahan kung kinakailangan.

Walang gamot na lubusang nakakagaling ng impeksiyon ng Hepatitis B pero may gamot na nakakakontrol ng virus, ayon kay Ong.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.