Army officer patay sa bakbakan laban sa umano'y NPA sa Davao | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Army officer patay sa bakbakan laban sa umano'y NPA sa Davao

Army officer patay sa bakbakan laban sa umano'y NPA sa Davao

Madonna Timbal-Senajon,

ABS-CBN News

Clipboard

Dalawang sundalo ang nakabantay sa burol ni 1Lt. Jarren Relota, na namatay sa pakikibakbakan laban sa mga hinihinalang NPA.

DAVAO CITY - Patay ang isang opisyal ng Philippine Army nang makaengkuwentro ang mga hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) sa Barangay Mapula bahagi ng Paquibato District.

Kinilala ang namatay na sundalong si 1Lt. Jarren Jay Relota, 27, ang commanding officer ng Bravo Company ng 16th Infantry Battalion.

Sugatan naman sa bakbakan ang dalawang kasamahan nitong sundalo na sina Corporal Josua de Jesus at Private First Class Geraldo Masslang na parehong nagpapagaling sa ospital.

Ayon sa Eastern Mindanao Command, rumesponde ang tropa ni Relota sa Sitio Quimbao nitong Huwebes matapos makatanggap ng report kaugnay sa presensya ng mga rebelde.

ADVERTISEMENT

Pero pagdating sa lugar, sabay-sabay pinaputukan ng mga armadong kalalakihan ang puwersa ng militar. Nag-detonate rin umano ang mga kalaban ng landmine.

Sabado ng hapon, binisita ni Mayor Sara Duterte-Carpio ang burol ni Relota sa Panacan. Ipinaabot ng alkalde ang kanyang pakikiramay sa pamilya ng napatay na sundalo.

Binigyan naman ng Wounded Personnel Medal Award ang dalawang sugatang sundalo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.