ALAMIN: Mga trabaho sa industriya ng manufacturing | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Mga trabaho sa industriya ng manufacturing

ABS-CBN News
Published Jan 28, 2018 07:47 PM PHT
|
Updated Jan 28, 2018 07:49 PM PHT

Bukod sa mga trabaho sa industriya ng business process outsourcing (BPO), primerang at "in-demand" pa rin sa bansa ang mga trabaho sa sektor ng manufacturing o paggawa.

Batay sa Labor Market Trends Report, isa ang sektor ng manufacturing sa mga nagpapalakas sa ekonomiya ng Pilipinas mula pa noong 2009.

Marami kasi itong nabibigay ng trabaho sa mga Pilipino.

Ayon naman sa Department of Labor and Employment (DOLE) Bureau of Local Employment, sa loob ng anim na taon, mula 2012 hanggang 2017, nasa 3.2 milyong trabaho ang total employment share nito kada taon.

Halos 8.5 porsiyento ito ng kabuuang employment allocation sa bansa, ayon sa DOLE.

Nangunguna sa industriya ng manufacturing ang food processing.

"Marami tayong foreign investments na pumapasok pagdating sa manufacturing sector," pahayag ni Dominique Rubia-Tutay, direktor ng Bureau of Local Employment ng DOLE.

Sa datos ng PhilJobNet, ang job search portal ng gobyerno, pasok sa top 10 job vacancies sa sektor ng manufacturing noong 2017 ang mga sumusunod na trabaho:

• Manufacturing laborer
• Production machine operator
• Sales person
• Service engineer
• Manufacturing laborer
• Production machine operator
• Sales person
• Service engineer
Dagdag pa ng DOLE, hindi mawawalan ng trabaho sa industriyang ito lalo na sa mga susunod na panahon.

Kaya si Senando Alzaga, na isang dekada nang nagtatrabaho sa pagawaan ng unan sa Las Piñas, ipinagmamalaki na marami siyang natutunan.

Kabilang dito ang mga technical skills sa production, na isa rin sa mga "in-demand" na trabaho ngayon.

"Maganda, kumbaga lahat ng benefits nasa iyo," ani Alzaga.

Magkahalong pananabik at kaba naman ang nararamdaman ni Jerrelyn Deausen, na papasok pa lang sa manufacturing matapos magtrabaho sa fast food chain.

"Wala pa po akong background sa pagiging factory worker," ani Deausen. "Kinakabahan po ako [sa] pag-apply."

Hinihikayat ang mga handang matuto na subukan ang mga trabahong may kinalaman sa manufacturing dahil patuloy pa umanong lalago ang sektor na ito.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
hanapbuhay
negosyo
trabaho
DOLE
Department of Labor and Employment
PhilJobNet
manufacturing
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT