Comelec inilatag ang nais na election health protocols para sa 2022 | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Comelec inilatag ang nais na election health protocols para sa 2022

ABS-CBN News
Published Jan 27, 2021 09:28 PM PHT

MAYNILA - Ilang pagbabago ang pinag-aaralan ng Commission on Elections para maidaos ang halalan sa 2022 sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ayon kay Comelec Chairman Atty. Sheriff Abas, bumuo na ang komisyon ng special committee na pangungunahan ng commissioner na si Antonio Kho para makipag-ugnayan sa pandemic task force ng bansa at mga health expert.

Nagbabalangkas na rin sila ng mga dagdag na patakaran para sa kaligtasan ng mga botante, watcher, at Board of Election Inspectors (BEI) sa araw ng botohan at bilangan.

"During halalan, kumpol-kumpol po ang mga tao sa mga eskuwelahan so 'yun 'yung masyadong malaking hurdle natin, but labas diyan pinag-aaralan pa namin paano natin ma-maximize na hindi magkakahawahan just in case tutuloy-tuloy nga itong pandemic," ani Abas.

ADVERTISEMENT
Magdadagdag din ang Comelec ng clustered precincts at vote counting machines, para mas lumuwag ang voting centers at para maiwasan ang mga pila at siksikan ng mga botante.

Sa ngayon, may 1 makina lang para sa 1,000 voters, ayon sa komisyon.

"Ang initial plan namin is at least 5 voters at one given time 'yung makakaboto. That is why kailangan namin dagdagan yung mga VCMs (Vote Counting Machines), 'yung mga makina na gagamitin natin. Dadagdag kami up to 10,000 machines,” ani Abas.

Balak din nilang magtalaga ng hiwalay na voting precincts para sa matatanda, buntis, at mga person with disability, at iba pang vulnerable na sektor.

Plano ring palawigin ang botohan nang hanggang alas-8 ng gabi o lagpas pa. Magtatalaga rin ang Comelec ng COVID-19 marshals para sa mahigpit na pagpapatupad ng minimum health standards sa mga presinto at paglilimita ng poll watchers.

Pinag-aaralan din ng Comelec kung paano mairaraos ang nakagawian nang presidential debates, ayon sa spokesman na si James Jimenez.

"Kailangan siyempre pag-ingatan 'yung health, safety, hindi lang ng audience kung 'di ng mga kandidato mismo so you can expect that a lot of the work that we do will be relying on this - teleconferencing technology," ani Jimenez.

Sasagutin ng Comelec ang face mask at face shield ng mga BEI, at pag-aaralan din kung kakayanin ng budget na mabigyan sila ng personal protective equipment.

Magsisilbing dry run para sa election COVID-19 protocols ng Comelec ang Palawan plebiscite sa Marso para malaman kung anong mga patakaran ang uubra at ano ang dapat baguhin.

— Ulat ni Ina Reformina, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
health protocols
Comelec
2022 polls
2022 elections
Commission on Elections
halalan 2022
halalan2022
halalan2022
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT