Ina, 2 anak nahulog sa ferris wheel matapos 'kumalas' ang lock

ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2019 04:48 PM | Updated as of Jan 28 2019 12:02 AM

Sa video na kuha ni Bayan Patroller Kylie Allado, makikita ang nakalambiting 4 anyos na bata sa taas ng ferris wheel. Screengrab

Nasagip noong Sabado ang isang ina at dalawa nitong batang anak sa Iloilo City matapos silang mahulog sa ferris wheel nang kumalas umano ang lock nito. 
 
Sa video na kuha ni Bayan Patroller Kylie Allado, makikita ang nakalambitin ang 4 anyos na bata sa taas ng ferris wheel.

Ang nanay naman, nahulog sa trapal na hawak-hawak ang 1 taong gulang na anak.

Watch more in iWantTFC

Makikita pa ang pag-akyat ng ilang lalaki para sagipin ang nahulog na mag-iina. 

Ayon sa tauhan ng parke kung nasaan ang ferris wheel, tila naging "kampante" daw ang ina at hindi nasaway ang mga "makukulit" na anak kaya natanggal ang lock.

Masuwerteng hindi napuruhan ang mag-iina, maliban sa natamong bukol.

Agad din silang dinala sa ospital para mabigyan ng karampatang lunas. 

Nag-usap na ang mag-iina at operator at nagkasundong mag-areglo. 

Pansamantala namang itinigil ang operasyon ng ferris wheel. —Ulat ni Joyce Clavecillas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.