3 patay sa pagsabog ng granada sa Cavite City | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 patay sa pagsabog ng granada sa Cavite City

3 patay sa pagsabog ng granada sa Cavite City

Jose Carretero,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 26, 2023 08:33 PM PHT

Clipboard

alt

Tatlo ang nasawi sa pagsabog ng granada sa Cavite City noong gabi ng Miyerkoles, ayon sa pulisya.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang pagsabog ay nagkaroon ng rambol ang grupo ng mga kabataan sa Barangay 11.

Kabilang umano sa isang grupo ang nagpasabog ng granada.

Nakita pa ng barangay tanod na hawak nito ang granada at pinakiusapan na huwag itong papasabugin.

ADVERTISEMENT

Watch more News on iWantTFC

Nang may dumating ang opisyal ng barangay, tumakbo ang suspek kaya hinabol ito hanggang makarating sa Barangay 9, kung saan nangyari ang pagsabog.

Kasama sa 7 nasabugan ang may hawak ng granada.

Inaalam pa ngayon ng pulisya kung sinadya nito ang pagpasabog o aksidente nitong natanggal ang pin ng hawak na granada.

Nagpapagaling na sa ospital ang mga nakaligtas sa pagsabog, kasama ang mismong may hawak ng granada.

Dalawa sa mga suspek naman ang nasa kustodiya ng pulisya.

ADVERTISEMENT

Dahil sa insidente, magpapatupad na ng curfew para sa mga menor de edad sa Cavite City mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw, ayon kay Mayor Denver Chua.

Iginiit naman ni Chua na isolated case ang nangyari.

Sasagutin din umano ng lokal na pamahalaan ang gastos sa pagpapaospital sa mga biktima pati ang gastos sa mga namatay.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.