Batang inanod ng ilog, natagpuang patay sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Jan 26 2021 05:42 AM

Kuha ni Dinno Cambronero

DAVAO CITY - Natagpuan ng mga rescuer at ng pulisya ang bangkay ng isang 9-anyos na batang lalaki sa Davao River sa Brgy. Mandug Lunes ng hapon.

Biyernes pa ng hapon pinaghahanap si "CJ" ng kaniyang pamilya matapos umanong madulas sa ilog at maanod ng rumaragasang tubig sa parte ng ilog sa Brgy. Lampianao, Calinan district.

Ayon sa rescuer na si Dinno Cambronero, biglang lumaki ang tubig sa ilog noong panahong 'yon dahil sa pag-ulan sa bukid na naging sanhi ng pagkadisgrasya ng bata.

Pinag-iingat ang mga residente sa pagtawid ng ilog lalo na ngayong maulan at posibleng lumakas ang agos ng tubig para iwas sa aksidente.--Ulat ni Hernel Tocmo

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.