Janitor, patay matapos umanong 'manlaban' sa Davao City | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Janitor, patay matapos umanong 'manlaban' sa Davao City

Janitor, patay matapos umanong 'manlaban' sa Davao City

Chrislen Bulosan,

ABS-CBN News

Clipboard

DAVAO CITY — Nabaril ng mga pulis ang drug suspek na si John Paul Bueno, matapos umanong manlaban ito habang katransaksyon ang poseur buyer na pulis, sa Fatima Village, Sasa, Davao City nitong Biyernes ng umaga.

Pero giit ng pamilya ng napatay, walang buy-bust na nangyari sa loob ng bahay, kung saan mismo nangyari ang insidente. Nakahiga pa daw ang biktima nang biglang pumasok ang mga pulis sa loob.

Kwento ng kapatid ni John Paul, na nasa kwarto, narinig pa nito ang kuya na nagmamakaawa sa mga pulis bago binaril.

Tinutukan pa umano sila ng armas nang makita ng mga pulis.

ADVERTISEMENT

“Ana pa sila, ‘naa pa diay tao diri oh. Apil ni, iapil. Ana ko, ‘wala man mi labot Sir.’ Tapos gitutukan mig baril.... Lima ka buto akong nadunggan. Daghan nakadungog. Human, gipagunit nilag baril,” aniya.

(Sabi nila, “meron pang tao dito. Isali natin to. Sabi ko, “di kami kasali, Sir.” Tapos tinutukan kami ng baril... limang putok ang narinig ko. Maraming nakarinig. Tapos pinahawak nila ng baril.)

Nakulong na noong 2015 si Bueno dahil nasangkot rin sa paggamit ng iligal na droga.

Ayon sa pulis, bumunot ng baril ang napatay kaya napilitan ang pulis na magpaputok at nabaril ito.

Nananawagan ng hustisya ang pamilya sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.