Ilang lugar sa Pasig, Taguig, Pateros may power interruption

ABS-CBN News

Posted at Jan 26 2019 02:04 PM

Makararanas ng power interruption o pansamantalang pagkawala ng kuryente sa ilang lugar sa Pasig, Taguig at Pateros simula alas-10 ng gabi Sabado.

PASIG

  • Bahagi ng Elisco Road
  • Barangay Kalawaan
  • San Joaquin
  • Buting

TAGUIG

  • Barangay Ibayo-Tipas

PATEROS

  • Santo Rosario Silangan
  • Magtanggol
  • San Pedro
  • Santo Rosario Kanluran
  • Tabacalera
  • Santa Ana

Ayon sa Meralco, maglalagay sila ng karagdagang pasilidad sa mga nabanggit na lugar kaya pansamantalang maaapektuhan ang daluyan ng kuryente.

Inaasahang maibabalik ang suplay ng kuryente alas-6 ng umaga Linggo.

—Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.