Balyena, natagpuang patay sa dalampasigan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Balyena, natagpuang patay sa dalampasigan

Rex Ruta,
ABS-CBN News
Published Jan 26, 2018 04:04 PM PHT

Patay na nang matagpuan ang isang dambuhalang balyena na napadpad sa dalampasigan ng Barangay Binduyan sa Puerto Princesa.

Mula sa isang resort sa naturang barangay matatanaw ang mistulang trosong palutang-lutang sa dagat. Ito umano ang nakaagaw pansin sa caretaker at ilang residente kaya agad nilang nilapitan.

Laking gulat nila na isa palang dambuhalang balyena ito na wala nang buhay.

Dahil sa nangangamoy na, agad nilang ipinagbigay-alam ito sa Palawan Council for Sustainable Development.

ADVERTISEMENT
Inabot na ng pagbabaw ng tubig ang marine mammal na isang short finned pilot whale kaya kanya-kanyang pa-picture na ang mga residente.

Makikita din ang mga butas sa katawan ng balyena kaya paniwala ng ilang mga residente na pinaglaruan ito o binalak na hulihin kaya namatay.

Sa paliwanag naman ng City Environment and Natural Resources Office, hindi raw ito tama ng baril. Mayroon daw klase ng pating na tila binubutas ang katawan ng mga inaatake nito.

Posible daw na nanghina ang balyena dahil sa sakit na nagmula sa bacteria, virus o parasitiko sa dagat.

Hindi rin agad nailibing ang balyena dahil sa bigat nitong umaabot sa 1.3 tons at may sukat na 13 feet.

Pinagtulong-tulungan na lamang din ito ng Bantay Dagat at mga opisyal ng barangay na maibalik sa dagat.

Biyernes nang bumuo na rin ng team na humila sa balyena papuntang Barangay Tanabag kung saan ito ililibing.

Ang presensya umano ng pilot whale sa karagatan ay indikasyon na mayaman pa ito at ang pagkamatay rin nila ay indikasyon na maaaring epekto ng maling aktibidad ng mga tao gaya na lamang ng pagtapon ng basura sa dagat.

Madalas na sa tropical waters naninirahan ang ganitong species ng balyena. Kulang pa rin umano ang pag-aaral sa kanila dahil sa kakaunti nilang bilang at sa malalalim na parte ito ng dagat natatagpuan.