Umano'y tulak na pari, timbog sa buy-bust sa Cavite | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Umano'y tulak na pari, timbog sa buy-bust sa Cavite

Umano'y tulak na pari, timbog sa buy-bust sa Cavite

Bianca Dava,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 25, 2019 09:56 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA (UPDATED) – Sa kulungan ang bagsak ng isang religious leader at isa pang lalaki matapos silang mabilhan ng "shabu" sa buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite, Huwebes ng gabi.

Positibong nabilhan ng nagpanggap buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang 38-anyos na si Richard Alcantara ng Sacred Order of Saint Michael Congregation sa Tagumpay Compound, Tabing Dagat, Barangay Alima.

"Linawin natin. Itong Bishop Ricky Alcantara hindi talaga member ng Roman Catholic (Church). Other congregation siya," paliwanag ni Superintendent Vicente Cabatingan, chief of police ng Bacoor City.

Ito rin ang paglilinaw na ibinigay ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP).

ADVERTISEMENT

"Richard Alacantara is neither a Catholic bishop or a priest of the Roman Catholic Church and is certainly not a member of the Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP)," ayon sa CBCP.

Isang mangingisda ang kasamang naaresto sa operasyon habang nakatakas naman ang isa pa.

Nakuha sa kanila ang nasa 15 sachet ng hinihinalang shabu, improvised tooter, dalawang improvised burner at iba pang drug paraphernalia.

Matagal nang minamanmanan ng mga pulis si Alcantara na nagsasagawa rin ng kaniyang worships sa Trece Martires.

Ayon sa mga kasamahan niya sa simbahan sa Trece Martires, nitong buwan lang din ay tiniwalag na siya sa congregation dahil sa iba't ibang dahilan, kabilang na ang pagdo-droga.

ADVERTISEMENT

Kasama rin siya sa drugs watchlist ng Bacoor City Police bilang isa umanong tulak at user.

Depensa ni Alcantara, gumagawa lamang siya ng research sa epekto ng paggamit ng droga.

“Nagresearch lang po ako n'yan. May makakapagpatunay naman na mga tao. Tinatanggap ko po ang pagkakamali ko. Inudyukan ako ng taong pinagkatiwalaan ko," paliwanag niya.

Pero sabi ng mga pulis na dalawang taon na umanong "nagre-research" si Alcantara.

"So adik talaga siya," sabi ni Cabatingan.

ADVERTISEMENT

Ang pagkakahuli kay Alcantara ay patunay lamang na walang pinipili ang awtoridad sa kampanya kontra droga.

“Nakakalungkot ang pangyayaring ito. Isa siya sa mga tinitingala natin na religious leader ng congregation. Kasama natin dapat sila sa kampanya kontra droga pero iba ang nakita natin sa kaniya. Siya ay naging kalaban natin," saad ni Superintendent William Segun, director ng Cavite Provincial Police.

Isinailalim na sa inquest proceedings ang mga suspek. – May ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.