Tiyuhin ng dalagitang ginilitan sa Caloocan, sinampahan ng kaso | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tiyuhin ng dalagitang ginilitan sa Caloocan, sinampahan ng kaso

ABS-CBN News
Published Jan 25, 2019 07:45 PM PHT

Sinampahan na ng kaso ng pulisya ang tiyuhin ng 12 anyos na dalagita na natagpuang patay at ginilitan sa Caloocan City noong Miyerkoles.

Kinilala ang tiyuhin na si Reynaldo Urbano, na napag-alamang nakiligo sa bahay ng biktima isang oras bago makitang patay ang dalagita.

Ang stay-out na kasambahay na si alyas "Rosa" ang unang nakakita sa bangkay ng bata.

Kapatid ng ina ng biktima si Urbano at ayon sa kaniya, di siya makapaniwalang magagawa iyon ng kaanak.

ADVERTISEMENT
"Sobrang close po siya sa tito niya... Mahal na mahal din po niya ang tito niya. 'Pag wala po kami sa bahay siya po 'yung pumupunta para bigyan ng pagkain," hinaing ng ina ng biktima.

Itinanggi naman ng tiyuhin na may kinalaman siya sa krimen.

"Lalabas din ang katotohanan," ani Urbano.

Nanindigan naman ang pulisya sa kanilang imbestigasyon.

"Sa ngayon marami tayong circumstantial evidence na nagpapatunay na itong hawak natin na person of interest to be a suspect. Base na rin sa inconsistencies ng kaniyang mga sinasabi," ani National Capital Region Police Office chief Director Guillermo Eleazar

Para sa pamilya, hindi nila habol ang isang minadaling hustisya.

Mas nais daw nila ang imbestigasyong dumaan sa tamang proseso na suportado ng ebidensiya para masigurong ang totoong salarin ang makukulong.

—Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT