TINGNAN: Puntod ni Cory Aquino, napuno ng bulaklak sa kanyang kaarawan

Ernie Manio, ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2017 08:39 AM | Updated as of Jan 25 2017 12:15 PM

SUCAT, Parañaque - Maagang napuno ng bulaklak ang puntod ni dating pangulong Corazon Aquino sa Manila Memorial Park kasabay ng kanyang ika-84 birth anniversary ngayong Miyerkules.

Nabalot ng mga dilaw na Malaysian mums, daisies, orkidyas at stargazer ang puntod ni "Tita Cory" at asawang si dating senador Benigno "Ninoy" Aquino, Jr.

Karamihan sa mga flower arrangement ay likha ng florist na si Sally Ang mula Quiapo, Manila habang ay ilan ay mula sa mga kaibigan at taga-suporta ng mga Aquino.

Magkakaroon ng Misa sa puntod ngayong araw at inaasahang dadalo rito si Vice President Leni Robredo.

Ilang taga-suporta na rin ang bumisita sa libingan.

Pumanaw si Cory noong 2009 sa edad na 76 matapos ang mahigit 1-taong pakikipaglaban sa colon cancer.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.