Ex-Pampanga vice mayor patay sa pamamaril | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ex-Pampanga vice mayor patay sa pamamaril

ABS-CBN News
Published Jan 24, 2021 01:22 PM PHT
|
Updated Jan 24, 2021 02:32 PM PHT

Patay ang 2 lalaki, kasama ang dating vice mayor ng Masantol, Pampanga, matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Angeles City, umaga ng Sabado.

Nakarinig umano ng 2 magkasunod na putok ng baril ang guwardiyang si John Maverick Cunanan habang naliligo sa opisina ng kanilang kompanyang Blue Gems Security Agency sa Barangay Pulung Maragul.

Nadatnan umano ni Cunanan na duguan at wala nang buhay sina Jorge Bustos III, 46 anyos na operations manager ng Blue Gems at dating vice mayor ng Masantol, at si Erick Cariaga, na taga-Quezon City.

Ayon kay Cunanan, alas-9 ng umaga nang dumating sa opisina ang mga biktima at wala namang ibang tao sa gusali bukod sa mga ito.

ADVERTISEMENT
Nire-review na ng pulisya ang mga kuha ng CCTV para matukoy ang mga salarin.

-- Ulat ni Gracie Rutao
-- Ulat ni Gracie Rutao
RELATED VIDEO:
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
krimen
pamamaril
Angeles City
shooting
security agency
rehiyon
regions
regional news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT